Salamat Sayo - Nigga & Mhyre

Published: 02 June 2014
on channel: OfficialMcrArtist
618,502
1.4k

Salamat Sayo - Nigga & Mhyre
Produced by Martial Camp Records & Vids By Drei


Music & Lyrics: Nigga & Mhyre (Chorus part by BulletLyn)
Sound Arrange: Mcnaszty One
Music Instrumental: 13Th Beats Exclusive
Recorded: Martial Camp Records Studio
Graphic Artist: Drei Sanchez



For Bookings Please Contact

  / martialcamprecords  

Facebook Personal Account:

  / joboy.stodomingo  
  / mhyre.condeu  

Official Lyrics




1st Verse:

Nais kong malaman mo
Ang nilalaman nitong puso
Nung una pa lang nung mapatitig sayo
Tila ako'y nahulog na

Salamat dahil na sayo na ang katangiang hinahanap ko
Di ako sinasaktan katulad ng iba dyan
Tunay ngang iba ka sa kanila

Sayo wala nang hahanapin
Ako'y sayo, ika'y sa akin
ikaw parin ang mamahalin
Pag-nawala ka di ko kakayanin

Wag na wag ka saking lalayo
Sabay lang tayo sa pag-ikot ng mundo
Mag-sasama tayo sa hirap O'saya
Para sayo itong kanta

SALAMAT SAYO


CHORUS:

Simula nang dumating ka sa buhay ko
Natikman ang tamis ng pag-ibig mo
Nag-iba ang aking mundo
Kaya naman salamat sa iyo

Dahilan ng aking bawat pag-ngiti
Pag-tibok ng puso ko sa bawat sandali
Di maitatanggi ng puso ko
Ang lahat ng ito'y dahil sayo


2nd Verse:

Hindi na ko mag papaligoy-ligoy pa
Sasabihin ko na
SALAMAT SA IYO SINTA

Salamat dahil sa lahat ng kabutihan mo sa akin
Ang kirot sa puso ko ay nagawa mong pahupain

Ikaw ang syang nag-turo kung paano mag-mahal
Nagawa ko yon dahil sa tulong mo't mga dasal
Dating hangal

Ngunit nawala ang pagka-barumbado
Simula nang makilala ka natuto nang mag-bago

Salamat dahil sa iyong lubos na pag-unawa
Sa pag damay Sa pag punas ng panyo sa bawat luha

Kaya naman dapat ka lang pasalamatan
Suklian ng kabutihan ang taglay mong kabaitan

Salamat dahil may ikaw
Salamat dahil sayo may pag-asang natanaw
Salamat dahil di mo ninais na bumitaw
Kaya naman ikaw na ang huling babaeng iibigin ko
Hanggang saking pag-panaw



CHORUS:

Simula nang dumating ka sa buhay ko
Natikman ang tamis ng pag-ibig mo
Nag-iba ang aking mundo
Kaya naman salamat sa iyo

Dahilan ng aking bawat pag-ngiti
Pag-tibok ng puso ko sa bawat sandali
Di maitatanggi ng puso ko
Ang lahat ng ito'y dahil sayo




3rd Verse:

Sakin wag kang mangamba
Umasa kang habang buhay mamahalin kita

Alam mo naman kung gano kita kamahal
Ako'y naka handa sayong mag pakasal

Ang iwanan ka
Hindi ko yon gagawin
Hanggat nandyaan ka
Ika'y mamahalin

Sabay nating harapin ang lahat ng pag-subok
At suliranin kung sa relasyon man natin dumating

Hindi na kita papakawalan pa
Kahit kailan hindi kana mag-iisa
Dapat ka lang bigyan ng pag-ibig
Na hinding hindi mo makikita sa iba

Kaya mag tiwala ka lang
Saking palad kumapit ka lang
Magka-sabay nating ihahakbang ang ating paa hanggang

Marating natin ang araw ng pag-iisang dib-dib
Mag sasama tayo sa hirap O ginhawa
Sa init at lamig