MAYNILA – Bukas na ang bagong visa processing centers ng Italian Embassy sa Taguig, Batangas, Cebu, at Davao para sa mga nais kumuha ng tourist visa.
Inaasahang susuporta ang bagong visa centers sa tinatayang 50,000 o 100,000 na turistang magpoproseso ng Schengen visa para makarating maging sa ibang bansa sa Europa.
Para sa mga gusto magkaroon ng Schengen visa, kinakailangan ihanda ang mga requirements na application form na makikita sa VFS Global website, 2x2 ID, passport, bank certificate, titulo ng lupa kung mayroon, birth at marriage certificate.
May mga dokumento ring kailangan depende kung employed sa kompanya o self-employed.
Bukod sa requirements, dapat siguraduhin ding may hotel booking at travel health insurance.
Importante ring pag-ipunan din ang visa fee at processing fee.
– Ulat ni Zen Hernandez, Patrol ng Pilipino
Follow #PatrolNgPilipino online!
Facebook: / patrolngpilipino
Instagram: / patrolngpilipino
TikTok: / patrolngpilipino
X / Twitter: https://www.x.com/patrol_pilipino
YouTube: https://bit.ly/43mZH69
Threads: https://www.threads.net/@patrolngpili...
For more news: https://news.abs-cbn.com
Subscribe to the ABS-CBN News channel! - http://bit.ly/TheABSCBNNews
Watch full episodes on iWantTFC for FREE here:
http://iwanttfc.com
Visit our website at http://news.abs-cbn.com
Facebook: / abscbnnews
Twitter: / abscbnnews
Instagram: / abscbnnews